Tuesday, January 1, 2008
The Big L
di ko alam kung dapat akong maging masaya sa araw na to o ewan.kayo na humusga.
WATTA DREAM.nakakaloka ung panaginip ko.
nasa St.Mary's Auditorium daw kami.pero sa panaginip ko,sinasabi na nasa UST kami. tapos dun daw kami nagkakaklase ng JRN2 people.actually,di lang ata journ people un.
tapos may 3 daw kaming new classmates na big guys.tpos ang names nila..puro 2 letters lang.ahaha!
tapos after nun,di na kami magkakatabi ng classmates ko, as in one seat apart.tapos maya maya,tinabihan na kaming lahat ng big guys!
ung big guys,known sila as TBS people.tapos ung school,nakakati lang dw sa TBS tska sa hindi TBS. tapos si Madam Corpuz(hs Fil teacher namin sa meris) e galit na galit dw kasi mamimili na sa time na un kung sino ang mamumuno,ung TBS o hindi.
after magsalita ni madam corpuz, pinalabas na ung leaders ng TBS sa stage. at alam nyo kung sino ung lumabas?
SI JAIME.(oo meris people, si jaime chua!ung crush nyong lahat!) dun sa panaginip ko, susuray suray sya na parang lasing na adik, at ako naman, gulat na gulat.ahahah)
tapog gumulo na ung scene, at next scene, kasama ko ung kuya ko at friends niya na gumigimik. nag ice skating dw kami at kumain ng brownies.
ITO NA ATA PINAKADETAILED KONG PANAGINIP GRABE.
tapos blurry na naman..tapos next scene..BUNTIS NA AKO.
at sa panaginip ko, college pa ako kasi nandun college friends ko sa room tpos tnatanong ko pa daw kay nachi na pano ung dorm niya eh gabi na .tpos sabi niya,nagpaalam naman dw sya tapos tumawa na silang lahat.
tapos ung tatay ng baby..blurred sa panaginip ko,sayang.ahaha!
sa panaginip ko i looked happy.
Pero syempre pag gising ko, bothered ako super.kinuwento ko nga sa tatay ko, pinalo tuloy ako.silly me!
THE REASON FOR A BIGGER Leto na.ang biggest reason bakit ako naiinis sa sarili ko ngayon araw.
nagpunta kasi kami sa sm north edsa nila mama at papa.tapos bandang 10 pm na..pasara na ung mall..bababa sana kme papuntang foodcourt..
tapos lo and behold, galing sa escalator mula sa food court...tenenenenenen....
SI PE MATE CRUSH!.
pareho pa kaming nakapink!
at sa sobrang tuwa, hiya at gulat ko dhel nakita ko siya at nakita ata niya na nakita ko sya...
DI KO SYA PINANSIN!.....oo na isa akong malaking toott!!
as in timang ako.loser.pakiramdam ko,may malaki akong L na sytro sa ulo.
as in dumaan na ako sa halos gilid niya..di ako tumingin.di ko sya pinansin.
alam kong maaaring wala siyang paki sakin..pero di ba pe mate ko sya?dapat nag-hi ako!
ISA AKONG MALAKING ....HMMM EWAN!
nung una kilig na kilig ako at ngayon ay nagsisisi ako.
sbe ng tatay ko, ung tingin dw sken kanina parang naghihintay ng hi.
lahat ng kausapin ko sa ym kanina, sbe dapat pinansin ko.
at pinakamalupit ang kuya albert ko..sbe nya loser dw ako..
mamatay na daw akong virgin..wag na daw akong maghagilap ng lalaki dahil masyado daw akong pademure..waaaaaaah!!!(napakarude niya oo pero ganun talaga sya)o ayan kakasabi lang niya,bitch daw ako.
E NAHIYA TALAGA AKO EH.WHAT CAN I DOOOO???
di tuloy ako makatulog.baka iniisip niyang snob ako.syet.alam ko lalo akong nagmumukhang tanga sa post na to pero kelangan ko lang talagang ilabas ang kaengotan na ito.
at ngayon.apat na lang ang naiisip kong pagpilian na gawin.
a) magcomment sa friendster niya ng"ikaw ba ung nakita ko sa sm kanina?
b)sa thursday e kausapin siya at sabihing"ikaw ba ung nakita ko sa sm nung..AY OO NGA IKAW UN!"
c)matulog na lang na parang walang nangyari (pra namang makakatulog ako no?)
d)lasunin ang aking sarili,lunurin ang sarili sa kape o magbasa ng chain mail para patayin ako ni sadako o ng kung sino mang mumu na pumapatay kuno
kung pwde, tulungan nyo din akong mamili ng letter.
salamat!
hay nako.
sana sana sana sana.nag-hi na lang talaga ako.
e di sana ngayon, may baon baon pa akong ngiti niya pag-uwi di bah?:D
6:18 PM